Ang mananayaw Soraya:
Detalye ng kanyang katauhan
Soraya

Ang mananayaw si Soraya (Sonja Chaouach) ay isinilang sa taong 1975 sa Düsseldorf (Alemanya). Ang kanyang Ama ay Tunisyan ang ina ay Aleman. Ang kabataan niya ay ginugol niya sa Tunisya, sa mga kamag-anak ng kanyang Ama. Ang oryental kultura, partikular ang belly-dancing ay nasa kanyang dugo.

„Noong ako ay bata pa, pangarap ko na ang maging mananayaw. Ang moto ko: Ang tao ay dapat matututong mag sayaw, kung hindi, hindi alam nang Anghel sa kalangitan kung ano gagawin sa iyo.“

Siya ay nag-aral at natutong magsayaw: Djamila (Frankfurt), Beata at Horacio Cifuentes (Berlin), Leyla Jouvana (Duisburg), Pierre Moussa (Düsseldorf), Aladin El Kholi (St. Augustin / Bonn), Said el Amir (Munich), Sahela (Wesel), Manis (Düsseldorf), Marita Mephista (Düsseldorf) at Shahrazad (Cologne). Ang mga ito ay internasyonal at national na mga kilalang guro sa ibat-ibang kurso na nagbigay ng pribilehiyo para sa pag-aaral ng oryental belly-dancing, mga gawain at proyekto. Ipinagpatuloy niyang para pagbutihin ang kanyang abilidad, talino at elegante na istilo, sa paglahok sa ibat-ibang pagsasanay.

Mula 2002 hanggang 2006, si Soraya ay kasapi (membro) nang oryental na sayaw “Cahira”. Ang dating mga mananayaw ng “Cahira” ay umunlad para maging propesyonal na mananayaw. Noong 2006, sila ay bumuo ng independensiya “Ensemble El Amal” isa si Soraya sa nagtatag nito. Mula 2005 siya ay nagsayaw kasama si Magdalena (Neuss) membro din nang “Ensemble El Amal” sa “Duo Amara” dueto.

Noong 2005 nabalitaan ni Soraya ang tungkol sa ESTODA® at noong 2006 nagsimula siyang magsanay ng kurso para maging maestra ESTODA® (ESsential Technique of Oriental DAnce). Sa loob ng dalawang taong pag-aaral para maging maestra (belly-dancing) sa pamamahala ni Yasmin al Ghazali (Hirschau) ito ay nagbigay kay Soraya ng masmaraming kaalaman sa oryental na sayaw.

Ang mga kaalaman ni Soraya ay binubuo ng mga klasikal oryental na sayaw, pati na rin istilo ng mga Kastila at Arabo, ibat-ibang sayaw na gumagamit ng belo, sulong tambol, oryental pop at oryental samba. Gumagamit din siya ng ibat-ibang klase ng palamuti sa pagsasayaw ng (belly-dance) katulad sa stick dance, sabre dance, tambourine dance, kandila at cymbals. Si Soraya ay nagtatanghal sa oryental na sayaw tulad sa fiesta, mga pribadong okasyon tulad ng kasal, kaarawan at iba pa (mga litrato: pakitingnan sa rekomendasyon). Habang sumasayaw si Soraya kahit saan, anong oras ang mga publiko parang na ipnosis sa 1001 Arabian Nights.

Para sa inyong kaalaman maaring kontakin si Soraya sa ganitong address.

deutsch englisch französisch polnisch tuerkisch griechisch philippinisch däneisch niederländisch russisch bosnisch kroatisch montenegrisch serbisch italienisch